Deretsahang inamin sa publiko ni presidential aspirant at Davao City Mayor Rodrigo Duterte na hindi sila ‘close’ ni Vice President Jejomar Binay.
Sa panayam kahapon sa programang “Ikaw Na Ba? The Presidential Interview” sa radio station ng dzBB inurirat kung “bata” raw ba si Duterte ni VP Binay o pakawala lang diumano ito sapagkat ang ibang katunggali lang sa presidential election sa Mayo ang binabanatan at hindi pinupuna ang bise presidente sa mga isyu.